INTERAKYUNAL
Para sa akin, makikita sa larawan na ito ang pagkakaroon ng INTERAKSYUNAL. Mapapansin
na mayroong pag-uusap na nagaganap sa pagitan ng tatlong mga estudyante.
Marahil sila ay nagkakamustahan o may pinag-uusapang paksa.
REGULATORI
Sa larawan na ito, ang Tungulin
ng Wika na nakapaloob ay REGULATORI.
Sapagkat nagbibigay paalala ito na dapat ihiwalay ang Nabubulok (Biodegradable)
sa Hindi-Nabubulok (Non-Biodegradable). Dahil dito, nagkakaroon
ng organisasyon at ayos sa pagtatapon ng basura. Naihihiwalay ang mga kalat na
maaari pang mapakinabangan at mga kalat na pwedeng magsilbing pataba sa mga
lupa kagaya ng mga nabubulok.
INFORMATIV AT INTERAKYUNAL
Dalawa ang maaaring Tungkulin ng Wika ang makikita
sa larawang ito; ang INFORMATIV at INTERAKSYUNAL.
Masasabi kong INFORMATIV ito sapagkat bilang isang guro o
propesor, tungkulin nito ang magbigay impormasyon at kaalaman sa kanyang mga
estudyante. At INTERAKSYUNAL naman dahil may relasyon o
pag-uusap na nagaganap sa pagitan ng guro at mga estudyante.